Saturday, March 6, 2010

Tips Para Makatipid sa Inuman

Here are some things that I realized after waking up with a bad hang over. Kung gusto nyong magpakabasag sa inuman pero 100 lang ang pera nyo, eto ang ilang tips:

1. I-set ang budget bago uminom. Alamin kung ano-ano at magkano ang dapat bilin (alak, chaser, pulutan, yosi) bago pumunta sa tindahan. Stick to your budget, maglabas ng saktong pera. wag ka ng dudukot sa pitaka, baon mo pa yan bukas.

2. Know your limits. kung tatlo lang kayong iinom, tama na yung isang litro. Kung di kayo malalasing don, see tip number 3.

3. Unleash hell. kung ubos na ang alak at mahina pa ang amats, gumawa ng bagay na nakakahilo at/o nakakapagod. Magsoundtrip - magheadbang, magsayaw, magsisigaw. Pwede din magsex nakakapagod yun. Maya maya hilo ka na, masusuka ka pa, diba yun naman ang point kung bakit nag-inuman?

4. Learn from the experts. gawahin ang mga tricks na ginagawa ng matatanda. Example, yung sinisindihang gin, hindi na makati sa lalamunan, mura pa. Pag kalagitnaan na ng inuman, Fortune nalang ang sindihan, wala na ring pinagkaiba sa marlboro yun pag bangenge ka na.

5 Ang pinakaefective na natuklasan ko: TAGAYIN ANG PULUTAN! mag-assign ng tanggero ng pulutan. kung cornik o mane o chichirya ang pulutan, tama na yung 2 o 3 pcs per tagay, ilagay to sa takip ng alak at ibigay kasama ang alak at chaser.

No comments:

Post a Comment